OPLAN TANIM PUNO by: Allyson Briones at Stacy Clamosa
Deforestation, Road widening. Isa yan sa mga dahilan kung bakit nasisira ang ating kalikasan. Pero bakit nga ba nagaganap ang Deforestation at ang pag ro-Road widening? Deforestation Bago tayo magsimula doon, ano nga ba ang Deforestation? Ayon sa diksyonaryo, ito raw ang malawakang pagpuputol ng mga puno sa isang lugar. Pero bakit nga ba ito ginagawa? Para saan nga ba ito? At maari ba itong makatulong sa atin? Isa-isahin natin ang mga maaring mangyare kapag nagpatuloy ang pagpuputol ng mga puno. 1. Flashflood Mas mabilis bumaha sa isang lugar kapag wala masyadong puno rito. Dahil isa ang puno sa pumipigil sa baha sa pamamagitan ng pag higop dito. 2. Soil Erosion Maari itong mangyare dahil ang mga puno ang nagpapatibay ng lupa. 3. Air Pollution Isa ang puno sa dahilan kung bakit malinis ang hangin na nalalanghap natin. Kaso kapag nagpatuloy ang pag putol ng puno, maaring maging marumi ito dahil ang mga puno ang kumukuha ng carbon dioxide sa hangin at pina...