OPLAN TANIM PUNO by: Allyson Briones at Stacy Clamosa


Deforestation, Road widening. Isa yan sa mga dahilan kung bakit nasisira ang ating kalikasan. Pero bakit nga ba nagaganap ang Deforestation at ang pag ro-Road widening?


Deforestation

Bago tayo magsimula doon, ano nga ba ang Deforestation? Ayon sa diksyonaryo, ito raw ang malawakang pagpuputol ng mga puno sa isang lugar. Pero bakit nga ba ito ginagawa? Para saan nga ba ito? At maari ba itong makatulong sa atin?





Isa-isahin natin ang mga maaring mangyare kapag nagpatuloy ang pagpuputol ng mga puno.

1. Flashflood

Mas mabilis bumaha sa isang lugar kapag wala masyadong puno rito. Dahil isa ang puno sa pumipigil sa baha sa pamamagitan ng pag higop dito.


2. Soil Erosion

Maari itong mangyare dahil ang mga puno ang nagpapatibay ng lupa.


3. Air Pollution

Isa ang puno sa dahilan kung bakit malinis ang hangin na nalalanghap natin. Kaso kapag nagpatuloy ang pag putol ng puno, maaring maging marumi ito dahil ang mga puno ang kumukuha ng carbon dioxide sa hangin at pinapalitan ito ng malinis na hangin.


4. Landslide

Nagkakaron ng Landslide dahil sa pressure ng tubig sa lupa. Maari tong mangyare dahil wala nang puno ang nahigop sa tubig.


Road Widening

Ano nga ba ang Road Widening? Ito ay ang pagpapalawak ng Kalsada para mabawasan ang trapiko isa isang lugar. Isa ang pagpuputol ng mga puno para maisagawa ang pag Ro-Road Widening sa isang lugar.

Ang litratong ito ay mula sa Pangil, Amadeo, Cavite. 
Sa ibang lugar, kailangang putulin ang mga puno para nga maisagawa ang Road Widening. Meron paring ibang dahilan pero dito kami mag popokus sa pag puputol ng puno, saka bakit nga ba kailangan ng Road Widening at paano nga ito makakatulong sa atin?

Kung tutusin, bakit nga ba kailangang mag Road-Widening sa ibang lugar?

Ayon sa BBC News, Planting trees around rivers could reduce the height of flooding in towns by up to 20%, new research suggests. (https://www.bbc.com/news/science-environment-35777927

Ayon din kay DEO’s District Engineer (DE) Arthur D. Pascual, Jr. during his 3rd State of the District Address (SODA) dubbed as “First Class, World Class: Kayang-kaya kung Sama-sama” held at Cavite II District Engineering Office (DEO) Conference Room, Tagaytay City, February 23. 

The problem here in Cavite is traffic. We need to open bypasses,” he elucidated.

Meanwhile, he also stated that Cavite II DEO has already started implementing projects for CY 2018 with a total allocation of P1.027B for regular infrastructure released by the Department of Budget and Management (DBM), while the expected allocation of the district for CY 2019 amounted to P2.834B." (http://www.dpwh.gov.ph/dpwh/news/12985)

P200M Dasma road widening construction to be completed in 2 years
by Jazmine Estorninos (http://heraldofilipino.com/p200m-dasma-road-widening-construction-to-be-completed-in-2-years/)

Isa iyan sa nakita naming artikulo na kung bakit kinakailangan nang mag Road Widening dito sa Cavite. Pero para sa amin, makakatulong ang pagro-road widening pero makakasama din ito at the same time. Dahil sa paglawak ng daan, kinakailangan nga talagang mag putol ng puno para magawa ito. Kaya kami nagsagawa ng "OPLAN TANIM PUNO"


Ano nga ba ang OPLAN TANIM PUNO?



Sa bawat pagputol ng puno, nais sana naming sabihin na magtanim tayo ng bago. Para mapanatili natin itong lugar natin na Eco-friendly. Kasi sa ibang lugar, dahil wala na ngang puno, puro maruruming hangin na ang nalalanghap natin, mabilis na bumaha dahil sa mga nakakalat na basura sa daan at iba pa. Nais rin namin sabihin na imbis na plastik ang gamitin sa pang araw-araw na buhay, mas maganda sana kung gumamit nalang ng paper bag o eco bag katulad dito sa Cavite. Iwasan na rin gumamit ng mga straw sa inumin. Mahirap man pero kailangan gawin para rin ito sa ikabubuti ng Ecosystem. Alam naman natin na madalas na ang pag babago-bago ng panahon.

Saka ang pag tatanim ng puno ay isang paraan para ma preserve natin ang ating natural resources para sa mga susunod na generation. Para may magamit pa sila sa kanilang pang-araw araw na pangkabuhayan.

Hindi naman makakasama kung magtatanim tayo ng puno, sa halip na puro putol lang tayo ng puno para sa mga kailangan natin, mag tanim din tayo para may magamit tayo sa susunod na kailangan ulit natin ng kahoy. Dahil para sa atin din naman ito. 

Kaya tara na at sama sama tayong mag tanim ng PUNO para mapreserba natin ang ating MUNDO! 


Nais lang po namin sabihin na hindi lahat sa blog na ito ay galing sa amin. Credits po sa lahat nang pinagkunan namin ng litrato, artikulo.

Please share  us your thoughts about our blog. Thank you!

Comments